PAG-aaralan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukala ng Department of Finance (DOF) na patawan ng buwis sa Online Gaming.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, na ang proposal ng DOF ay upang magkaroon ng Restriction sa Online Gaming para sa ikabubuti ng pamilyang Pilipino.
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Idinagdag ni Castro na batid ng pangulo ang maaring mangyari sa mga gumon sa sugal at hindi nito tututulan ang panukala basta pinag-aralang mabuti ang buwis na ipapataw.
Plano ng DOF na buwisan ang Online Gaming, pati ang iba pang mga polisiya upang mapigilan ang Unrestricted Access sa pagsusugal, kabilang na ang Digital Gambling Platforms.
Kamakailan ay naghain ng Bills ang mga mambabatas para ipagbawal ang Promotion ng Online Gambling at pag-link nito sa Electronic Wallets.