SINIMULAN na ng Gilas Pilipinas ang paghahanda para sa nalalapit na 2025 FIBA Asia Cup.
Ipinatawag ni Head Coach Team Cone ang National Team kahapon sa Upper Deck sa Pasig.
Justin Brownlee, pangungunahan ang 18-Man Pool ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers
Barangay Ginebra, natakasan ang Phoenix sa nagpapatuloy na Philippine Cup
Hidilyn Diaz, pangungunahan ang Philippine Weightlifting Team sa Thailand SEA Games
Alas Pilipinas Player Ike Andrew Barilea, pumanaw sa edad na 21
Ito ang unang pagkikita ng pambansang koponan, isang buwan bago ang Asia Cup na itinakda sa August 5, sa Jeddah, Saudi Arabia.
Una nang inihayag ni Cone na magiging mabigat at mahaba ang kanilang magiging practice, at hindi rin siya tiyak kung magpapakita ang lahat, lalo na’t karamihan sa Gilas players ay naglalaro pa sa Playoffs.
Kabilang sa mga ito sina Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Troy Rosario, at Jamie Malonzo na naglalaro para sa Gin Kings sa ilalim ni Cone, na kumaladkad sa San Miguel Beermen sa Do-or-Die Game 7, bukas.
Samantala, ang Beermen ay mayroon ding active Gilas players sa katauhan nina June Mar Fajardo at CJ Perez habang nasa TNT Team si Calvin Oftana.
