WALANG mapagsidlan ng kanyang tuwa ang actress-dancer na si AC Bonifacio matapos mapansin ng K-pop Superstar na si J-Hope ang Dance Cover niya ng ‘Killin’ It Girl’ na kanta ng BTS member.
Tila na-impress si J-Hope sa dance skills ni AC, kaya nag-comment ito sa Tiktok video ng Pinay dancer, gamit ang emojis.
ALSO READ:
Sa sobrang tuwa ni AC sa unexpected notice, agad itong tumugon sa comment ni J-Hope at nag-i love you.
Sa pamamagitan naman ng Instagram ay ibinahagi ng actress-dancer ang magandang balita sa kanyang followers. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nabaling ang atensyon ni J-Hope sa isang Pinay, dahil nakagawa na ito kasama si Niana Guerrero ng ‘Mona Lisa’ Dance Collaboration.




