7 July 2025
Calbayog City
Local

Panukalang batas para pagtatayo ng Railway System sa Eastern Visayas, muling ihahain sa Kamara

IHAHAIN muli ni Leyte Rep. Richard Gomez ang panukalang batas para sa pagtatayo ng Railway System sa Eastern Visayas, partikular sa nasasakupan ng Leyte at Southern Leyte, at magdurugtong sa mga lalawigang ito sa Mindanao.

Sa panayam, binigyang diin ni Gomez na malaki ang maitutulong ng Railway System sa paghahatid ng mga serbisyo at mapabilis ang transportasyon sa rehiyon.

Aminado ang mambabatas na malaking pondo ang kakailanganin sa proyekto, subalit pang-matagalan naman ang benepisyo nito.

Inihayag ni Gomez na nang una niyang ihain ang House Bill 2221 noong 2022, ay ni-refer ang panukala sa House Committee on Transportation, subalit hndi kailanman tinalakay.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).