SA social media idinaan ni Alden Richards ang panawagan sa Cathay Pacific matapos masira ang kanyang bike frame, sa flight pabalik sa Pilipinas.
Sa Instagram, ibinahagi ng aktor ang litrato ng kanyang nasirang bisikleta, kasabay ng pagsasabing “this is very upsetting.”
ALSO READ:
Kylie Padilla, nag-react sa pag-amin ni AJ Raval na may mga anak na ito kay Aljur Abrenica
Jessica Sanchez, uuwi sa Pilipinas para sa New Year’s Countdown event
Bela Padilla, binatikos si Pangasinan Cong. Mark Cojuangco sa mga komento nito sa mga binaha; Slater Young, pinasaringan
Sexbomb Girls, tinanggal si Anjo Yllana sa Lyrics ng “Bakit Papa?” sa kanilang performance sa “Eat Bulaga!”
Sa ngayon ay nahihilig si Alden sa cycling, at nito lamang Mayo ay nakumpleto niya ang 61-Kilometer Bike Ride.
Ang post ng Asia’s Multimedia Star ay ni-reshare ng kapwa aktor at bike enthusiast na si Kristoffer Martin.
Samantala, ayon naman sa isang kinatawan mula sa Cathay Pacific, batid nila ang reklamo ni Alden at kasalukuyan itong iniimbestigahan ng airline.
