28 August 2025
Calbayog City
National

Panukalang 6.793-Trillion Peso Budget para sa 2026, inaprubahan ni Pangulong Marcos

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang proposed 6.793 trillion pesos na Budget para sa 2026, sa Cabinet Meeting, kahapon.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro na binigyang diin ni Pangulong Marcos sa Cabinet Meeting na 2026 Budget ay hindi lamang para palaguin ang ekonomiya, kundi upang maiangat ang buhay ng bawat Pilipino at ang mga susunod na henerasyon.

Iprinisinta ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang National Budget na nasa 222 percent ng Gross Domestic Product ng bansa, at 7.4 percent na mas mataas sa 6.326 trillion pesos na Budget ngayong taon.

Isusumite ng punong ehekutibo sa kongreso ang National Expenditure Program, sa loob ng tatlumpung araw, matapos ang pagbubukas ng Regular Session.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).