APATNAPU’T limang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang na-neutralize sa pinaigting na Anti-Insurgency Drive ng pamahalaan sa Eastern Visayas, sa unang anim na buwan ng 2025.
Ayon sa 8th Infantry Division ng Philippine Army, mula sa 45 Neutralized Armed Rebels, labimpito ang nasawi sa mga engkwentro laban sa tropa ng pamahalaan, isa ang naaresto, habang dalawampu’t pito ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad.
Sinabi ni Major General Ariel Orio, Commander ng 8th ID, na ang pagsuko ng NPA members ay indikasyon ng bumababang Morale at humihinang pwersa ng mga rebelde.
Idinagdag ni Orio na ang tagumpay na ito ay bunga ng matatag na pagtutulungan ng militar, Local Government Units, Partner Agencies, at higit sa lahat, aniya, ay mga residente ng komunidad.




