NAGPAHAYAG ng intensyon si Pangulong Ferdinand Ferdinand Marcos Jr. na palalimin pa ang economic, defense, at diplomatic ties sa Czech Republic.
Sa meeting kasama si Czech Defense Minister Jana Černochová (Yana Cher-No-Ko-Va) sa Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na positibo siya sa mas mahigpit na ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng dalawang bansa.
Idinagdag ng punong ehekutibo na marami pa ang kayang gawin ng Pilipinas at Czech Republic, gayundin ang mga larangan na kailangang i-explore o pag-aralan.
Pinasalamatan din ng Pangulo si Černochová (Cher-No-Ko-Va) sa pagbisita sa Pilipinas, sa pagsasabing patunay ito ng bumubuting relasyon ng Manila at Prague, kasunod ng kanyang pagtungo sa Czech Republic noong March 2024.
Sa panig naman ng czech defense minister, sinabi nito na “very impressed” siya sa katangian ng mga pilipino na aniya ay “Very Nice, Kind and Hardworking.”