HIHILINGIN ng Department of Agriculture (DA) sa COMELEC na huwag isama sa may 2025 midterm elections spending ban ang pagbebenta ng stocks na bigas ng National Food Authority (NFA) sa Local Government Units (LGUs).
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na magsusumite sila ng sulat sa poll body upang opisyal na ipabatid ang kanilang programa.
Sa ngayon ay animnapu’t pitong LGUs ang nagpahayag ng intensyon na bumili ng NFA rice na ibebenta nila sa publiko o sa kani-kanilang constituents.
Sa ilalim ng COMELEC resolution 11060, kailangan ng certificate of exemption para sa pagpapatupad ng mga aktibidad at programa sa social welfare projects at services habang umiiral ang spending ban simula March 28 hanggang May 11, 2025.