IPINAG-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang imbestigasyon sa installation at procurement ng bollards o vehicle barriers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, kasunod ng trahedya na pumatay ng dalawa katao.
Kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro na ang bollards na nabigong pigilan ang pag-araro ng SUV sa mga tao sa labas ng Terminal 1, ay inilagay noong 2019 sa ilalim ng administrasyon ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte at sa ilalim ng liderato ni noo’y Transportation Secretary Arthur Tugade.
Sinabi ni Castro na inatasan na ng pangulo ang concerned agencies na imbestigahan ang procurement process at i-assess kung pasok sa safety standards ang specifications ng inilagay na bollards.
Samantala, inamin naman ng Manila International Airport Authority (MIAA) na hindi malalim ang pagkakabaon sa mga bollard.