BINIGYANG diin ng Malakanyang na mahalaga ang regular at mandatory drug testing sa lahat ng driver ng Public Utility Vehicles (PUV) upang matiyak ang kaligtasan sa kalsada.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro na dapat itong pag-aralan dahil kailangan.
ALSO READ:
VP Sara Duterte, no comment sa impeachment complaint vs PBBM
Kontra salaysay ni Sen. Villanueva sa reklamong malversation hindi pa naisusumite sa DOJ
Dating Sen. Bong Revilla, hindi bibigyan ng special treatment sa selda
Bilang ng pamilyang Pinoy na nagsabing sila ay mahirap, bumaba noong 4th quarter ng 2025, ayon sa survey
Ginawa ng Palasyo ang pahayag matapos ianunsyo ni Transportation Secretary Vince Dizon na lahat ng PUV drivers ay obligadong sumailalim sa drug test kada anim na buwan, bilang bahagi ng mas mahigpit na Nationwide Road Safety Plan.
Suportado ni Castro ang pinakabagong direktiba sa pagsasabing kailangan ito upang hindi na maulit ang malalagim na trahedya sa kalsada sa bansa.
