NAKATAKDANG sampahan ng COMELEC Task Force Baklas ng Disqualification Case ang nasa tatlumpung kandidato, kabilang ang isang senatorial bet.
Ito, ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, ay dahil sa paglabag sa guidelines ng poll body sa illegal campaign materials.
Una nang nagbabala ang COMELEC na iisyuhan nila ng notices ang mga kandidato para atasang alisin ang illegal campaign materials at election campaign paraphernalia na nakalagay sa labas ng designated areas sa loob ng tatlong araw bilang bahagi ng kanilang oplan baklas.
Ang kabiguang sumunod ay maaring magresulta sa paghahain ng election offense cases, na posibleng mauwi sa diskwalipikasyo ng kandidato.