NASA Cambodia ngayon si Pangulong Ferdinand Marcos jr. para sa kanyang State Visit, kung saan inaasahang malalagdaan ang iba’t ibang mga kasunduan.
Mag-a-alos dos ng hapon, kahapon nang umalis ang eroplanong sinakyan ng pangulo sa Villamor Air Base sa Pasay City.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sinabi ni Pangulong Marcos na layunin ng kanyang State Visit sa Cambodia na palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa, sa gitna ng Regional Economic at Security Concerns.
Inaasahang sasabak din ang pangulo sa Bilateral Meeting, kasama si Cambodian Prime Minister Hun Manet para talakayin ang pagpapalawak ng kooperasyon sa Defense, Security, Trade, Agriculture, at Cultural Heritage.
Nakatakdang ring humarap si Pangulong Marcos sa mahigit pitumpunlibong Overseas Filipino Workers sa Cambodia.
Kasama ng punong ehekutibo si First Lady Liza Araneta-Marcos sa State Visit, na tatagal hanggang bukas.
