NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga deboto ng Sto. Niño na ipakita ang kanilang pananampalatay sa pamamagitan ng gawa.
Libo-libong Pilipino sa buong bansa ang nakiisa sa mga parada at pagdiriwang simula noong nakaraang linggo hanggang kahapon upang bigyang-pagpupugay ang batang Hesus, na ang pinakamalaking event ay ang Sinulog Festival sa Cebu.
Sa statement na ni-release ng Presidential Communications Office (PCO), hiniling din ng pangulo na palaging manalangin para sa spiritual strength at katatagan upang malagpasan ang anumang mga pagsubok na maaring dumating sa hinaharap.
Ipinaalala rin ni Pangulong Marcos sa mga deboto ng Sto. Niño ang kanilang Catholic at social obligations sa pamamagitan ng pananampalataya at diwa ng bayanihan.