PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pamamahagi ng 50 million pesos na financial assistance mula sa Office of the President sa mga bayan na naapektuhan ng bagyong Marce sa Ilocos Norte.
Sa ilalim ng TUPAD Program ng Department of Labor and Employment, namahagi rin ang National Government ng 20 million pesos sa mga bayan na apektado ng bagyong Marce, na tinanggap ng mga lokal na opisyal.
Tumanggap ang Pagudpud ng 6.54 million pesos para sa 1,273 beneficiaries habang ang mga munisipalidad ng Pasuquin, Vintar, at Bacarra ay binigyan ng tig-3.21 million pesos na pakikinabanga ng 625 beneficiaries mula sa bawat lokalidad.
Samantala, isang milyong piso ang ipinamahagi sa mga munisipalidad ng Adams, Bangui, at Burgos, kung saan bawat lokalidad ay mayroong 194 beneficiaries.
Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Pangulong Marcos ang patuloy na pagbibigay ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development sa mga nangangailangang residente na biktima ng kalamidad.