NIREREBYUNG mabuti ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang proposed 2025 General Appropriations Bill upang matiyak na alinsunod ito sa konstitusyon.
Pahayag ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin, kasabay ng pagsasabing katuwang ng Pangulo sa pagbusisi sa iba’t ibang items ng gab ang kanyang gabinete.
ALSO READ:
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Idinagdag ni Bersamin na ang Pangulo ang pinakamaingat sa pagpa-plano at paggastos ng limitadong fiscal resources.
Inaasahang lalagdaan ni Pangulong Marcos ang 6.352-Trillion Peso Proposed National Budget para sa susunod na taon sa Dec. 30, 2024.
