ISINAILALIM sa assessment ng technical engineers na binubuo ng mga eksperto mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 8 ang Biliran Bridge.
Bunsod nito, natukoy ang mga pinsala sa tulay na nag-uugnay sa mga lalawigan ng Leyte at Biliran, tulad ng bridge stringers, steel cross bracing, build up sections ng span 4 at 3, at loose nuts and bolts sa span 1.
Dahil umano ito sa corrosion, exposure sa tubig-alat at pagdaan ng mabibigat na sasakyan.
Una nang ipinagbawal ang pagtawid ng mabibigat na sasakyan sa Biliran Bridge, dahil sa hindi pangkaraniwang pag-uga ng tulay.