7 February 2025
Calbayog City
National

Pangulong Marcos, itinangging may kinalaman sa impeachment ni VP Sara

NANINDIGAN si Pangulong Ferdinand “bongbong” Marcos Jr. Na wala itong kinalaman sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa ipinatawag na press conference sa Malakanyang kahapon, iginiit ng Pangulo na walang papel ang executive branch sa impeachment proceedings, dahil ito ay constitutional mandate ng kongreso.

Gayunman, ibinahagi ng Pangulo na natalakay niya ang impeachment sa senado at kamara.

Inamin din nito na humingi sa kanya ng payo ang anak na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, sa pagboto nito pabor sa impeachment trial.

Sinabi rin ni Marcos na bagamat una na siyang nanawagan sa kongreso na huwag nang ituloy ang impeachment, hindi pa rin niya mapipigilan ang ilang grupo na naghain nito tulad ng makabayan bloc, religious groups, at ni dating Senador Leila De Lima.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).