Simula ngayong araw ay banned na ang lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.
Inanunsyo ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).
Mga mambabatas, dumepensa sa paghawak ng Kamara sa impeachment laban kay VP Sara
DOTr, mahigpit na pinababantayan ang airport security screening officers
Paggunita ng Holy Week sa buong bansa, nananatiling generally peaceful, ayon sa PNP
Paglikha ng compassionate at nagkakaisang bansa, panawagan ni PBBM sa mga Pilipino sa pagdiriwang ng Easter Sunday
Ayon sa pangulo, malakas ang panawagan ng mamamayan laban sa operasyon ng POGO sa bansa.
“Effective today all POGOs are banned,” ayon sa pangulo.
Inatasan ng pangulo ang PAGCOR na ipatigil ang operasyon ng lahat ng POGO sa bansa.
Ayon sa pangulo mayroong hanggang katapusan ng taon ang PAGCOR para siguruhing wala ng POGO na matitirang nag-ooperate sa Pilipinas.
Samantala, inatasan naman ng pangulo ang Department of Labor and Employment (DOLE) at ang mga economic managers na hanapan ng trabaho ang mga manggagawa na maaapektuhan o mawawalan ng trabaho dahil sa pagpapahinto sa operasyon ng POGO.
