28 October 2025
Calbayog City
National

Pangulong Marcos, iniutos ang mas maagang deklarasyon ng class suspension

INATASAN na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan at pamunuan ng eskwelahan na agahan ang pagdedeklara ng suspensyon ng klase at trabaho ngayong nananalasa ang bagyong enteng.

Ayon sa Pangulo, dapat mailabas ang bulletin bago matulog sa gabi.

Nasa Local Government Units pa rin aniya ang pagpapasya kung sususpendihin ang trabaho at pasok sa eskwela sa kani-kanilang lugar.

Kasabay nito, sinabi ni Pangulong Marcos na mas makabubuting huwag na munang magpatawag nang pagpupulong sa National Disaster Risk Reduction and Management Council Command Center sa Quezon City at hayaan na muna silang magtrabaho.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).