BINUKSAN ni Mayor Raymund “Monmon” Uy ang Calbayog City Fiesta Career Expo 2024, na ginanap sa Calbayog City Convention Center, bilang bahagi ng isang linggong selebrasyon ng kapistahan sa lungsod.
Ang naturang Expo ay nagbigay daan sa mga job seekers at aspiring professionals na makadaupang palad ang potential employers at ma-explore ang iba’t ibang career opportunities.
ALSO READ:
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Pagpapatibay sa Waste Management System, binigyang diin sa dayalogo sa Calbayog City
Northern Samar, pinag-aaralan ang mas matatag na kolaborasyon sa MMDA para sa disaster preparedness
Ibinida sa naturang event ang malawak na saklaw ng mga industriya, pati na ang malalim na pag-unawa sa career paths, skills development, at job market trends.
Ang career expo ay mahalagang karagdagan sa pagdiriwang ng fiesta sa Calbayog City, na makatutulong sa mga Calbayognon upang maabot ang kanilang pinapangarap na karera.
