IBINASURA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang deployment ng mga barkong pandigma ng Philippine Navy sa West Philippine Sea para kontrahin ang presensya ng China.
Sinabi ni Pangulong Marcos na kailanman ay hindi magiging bahagi ang Pilipinas para palalain ang sitwasyon.
Binigyang diin ng pangulo na wala tayo sa giyera kaya hindi kailan ng navy warships.
Gayunman, tiniyak ni Marcos na ipagpapatuloy ng bansa ang misyon sa West Philippine Sea.