23 October 2025
Calbayog City
National

Pangulong Marcos, hinimok ang mga Pinoy na magplano at maging handa sa pagtama ng kalamidad

MATAPOS ang malalakas na lindol na tumama sa iba’t ibang lugar at nagdulot ng mga pinsala nitong mga nakalipas na linggo, inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat ay magkaroon ng plano ang mga Pilipino at maging handa sakaling mayroong panibagong dumating na kalamidad.

Sa kanyang Vlog na naka-post sa Facebook, sinabi ni Pangulong Marcos na dahil nasa Pacific Ring of Fire ang Pilipinas, Very Prone ang bansa sa mga ganitong uri ng sakuna.

Aniya, lindol man o pagsabog ng bulkan, kailangan na lalo pang paigtingin ang Disaster Preparedness and Response.

Inihayag ni Marcos na dapat magkaroon ng plano ang bawat pamilya, kung saan sila magkikita-kita kapag lumindol at kung saan sila pupunta.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.