ITINANGGI ng Palasyo ang kumakalat na reports na sasailalim si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa operasyon dahil sa kanyang diverticulitis, kasabay ng pagsasabing balik na sa normal ang schedule ng punong ehekutibo.
Katunayan, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, kahapon, na kadadalo lamang ni Pangulong Marcos sa economy and development council meeting.
ALSO READ:
DENR, pinaiinspeksyon ang lahat ng sanitary landfill sa bansa
2 impeachment complaints laban kay PBBM, nai-refer na sa Justice Committee
Taas presyo sa produktong petrolyo, umarangkada na ngayong Martes
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng Batas; Mga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
Hindi nakita ng publiko si Marcos simula noong maospital ito noong Miyerkules ng gabi bunsod ng diverticulitis, na pamamaga ng diverticula, o small pockets sa colon.
Una nang sinopla ng pangulo ang kanyang mga basher na huwag silang atat na mawala siya sa pwesto.
