NAGKAUSAP na sa telepono sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at US President-Elect Donald Trump.
Sa ambush interview sa Catanduanes, sinabi ni Pangulong Marcos na ipinaabot niya kay Trump ang hangarin ng Pilipinas na palakasin pa ang alyansa ng dalawang bansa.
ALSO READ:
Grupong BAYAN inihahanda na ang panibagong malawakang protesta- Panukalang bumalik ang bansa sa Rome Statute hindi pa natatalakay ng Palasyo
VP Sara, bilib sa mga dating sundalong nagbunyag ng sabwatan ng ilang mambabatas at ICC investigators
Dating Pangulong Duterte, walang direktang utos ng pagpaslang sa Oplan Tokhang, ayon sa defense lawyer
Inihayag din ni Pangulong Marcos kay Trump ang naisin nitong mas pagtibayin pa ang relasyon ng dalawang bansa.
Kasabay nito, sinabi ni Pangulong Marcos na kinumusta ni Trump ang kanyang inang si Dating First Lady Imelda Marcos.
