7 February 2025
Calbayog City
National

Malakanyang, hinikayat ang mga ahensya ng gobyerno na iwasan ang marangyang pagdiriwang ng pasko

HINIKAYAT ng Malakanyang ang mga ahensya ng gobyerno na iwasan ang marangyang pagdiriwang ng Pasko sa kani-kanilang mga tanggapan.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin ang panawagan ay bilang pakikiramay sa milyun-milyong Pinoy na naapektuhan ng anim na magkakasunod na bagyong tumama sa bansa.

Sinabi ni Bersamin na hindi na magpapalabas ng opisyal na kautusan ang Malakanyang dahil tiwala ang palasyo na susunod ang mga ahensya ng gobyerno sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa Malakanyang, anumang halaga na matitipid dahil sa pakakaroon lamang ng simpleng selebrasyon ay maaaring i-donate na lamang sa mga naapektuhang komunidad.

Tiniyak din ng pamahalaan sa mga naapektuhang pamilya na sa kabila ng kanilang dinanas ay mararamdaman pa din nila ang diwa ng Pasko. Ayon kay Bersamin, tuluy-tuloy ang pamamahagi ng relief goods at iba pang tulong para makabango ang mga apektadong pamilya.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.