WALA nang balak si pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dagdagan pa ang mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa.
Sabi ni Pangulong Marcos, hindi naman paghahamon sa China ang EDCA Sites o proteksyon sa Pilipinas sakaling magkagulo ang Amerika at China.
Sa ngayon, mayroon nang limang EDCA Sites sa bansa.
Ito ay ang Antonio Bautista Air Base sa Palawan, Basa Air Base sa Pampanga, Benito Ebuen Air Base sa Cebu, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija at Lumbia Airport sa Cagayan De Oro.