INANUNSYO ng pole vault star na si EJ Obiena na magkakatotoo na ang kanyang pangarap na magkaroon ng pole vault facility sa Pilipinas.
Sa kanyang social media post, sinabi ni Obiena na ang pasilidad ay matatagpuan sa Marcos Stadium sa Laoag City, Ilocos Norte, at pasisinayaan sa Nov. 22.
ALSO READ:
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Inihayag Pinoy Olympian na ang kanyang pangarap na makilala ang Pilipinas sa buong mundo dahil sa pole vault ay hindi magtatapos sa kanya.
Dapat aniya itong magpatuloy sa mga susunod na henerasyon, at tutulong siya na maisakatuparan ito sa pamamagitan ng pangangalap ng pondo para sa pagtatayo ng mga pasilidad sa mga lalawigan.
