Plano ng pamahalaan na umutang ng 585 billion pesos mula sa domestic market sa unang quarter ng susunod na taon.
Ayon sa Bureau of Treasury, para sa buwan ng Enero, 195 billion ang planong utangin mula sa domestic market habang sa Pebrero ay 210 billion at sa Marso ay 180 billion pesos.
Itinakda ng pamahalaan sa 2.46 trillion pesos ang borrowing program para sa 2024, kung saan 1.85 trillion pesos dito ay uutangin mula sa domestic sources.