NILUWAGAN ng Pilipinas ang regulasyon sa pagbisita ng mga opisyal ng pamahalaan sa Taiwan, para sa “Economic, Trade, and Investment,” pati na ang pagtanggap ng Taiwanese officials sa bansa.
Batay ito sa nilagdaang Memorandum Circular No. 82 ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na nagtatakda ng guidelines para sa implementasyon ng Executive Order No. 313 Series of 1987.
Sa naturang E.O., ipinagbabawal ang pagbisita ng Philippine government officials sa Taiwan, gayundin ang pagtanggap ng Taiwanese officials na bibisita sa bansa.
Ipinaliwanag ni Bersamin na ang hakbang ng pamahalaan ay para ma-improve ang investments sa Taiwan.
Sa ilalim ng MC No. 82, applicable na lamang ang restrictions sa pag-biyahe sa Taiwan sa presidente, bise presidente, at mga kalihim ng Department of Foreign Affairs at Department of National Defense.