7 July 2025
Calbayog City
National

Palasyo, hiniling kay Senador Imee Marcos na mag-imbita ng international law experts sa hearing sa pag-aresto kay FPRRD

FEATURED PHOTO – 46

HINILING ng Malakanyang kay Senador Imee Marcos na mag-imbita ng international legal experts sa imbestigasyon nito hinggil sa pag-aresto kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, na mas mainam na makapag-imbita ang mambabatas ng international law experts para higit pa itong maliwanagan.

Sa kanyang preliminary findings, binigyang diin ng presidential sister, na mayroong “glaring violations” sa naging pagdakip sa dating pangulo.

Binatikos din ni Senador Marcos ang hindi pagsipot ng cabinet officials sa ikalawang senate hearing, at pinalutang ang hinala na nagkaroon ng “cover up” sa operasyon laban kay Duterte.

Gayunman, sa pagpapatuloy ng senate hearing, bukas ay dadalo na ang mga opisyal ng pamahalaan, ayon kay Senate President Chiz Escudero.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.