BINUWELTAHAN ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro ang mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa uploaded photo ni First Lady Liza Araneta-Marcos, kamakailan, sa pagsasabing magprisinta sila ng ebidensya na magpapatunay na edited ang litrato.
Tinukoy ni Castro ang larawan na ipinost sa official facebook page ng first lady noong Sabado, na may caption na “Regular meeting of the Asian Cultural Council; Pangarap Clubhouse, Malacañang Park, Manila.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Iginiit ng ilang netizen na edited ang naturang litrato.
Bilang tugon, sinabi ni Castro na ang mga bumabatikos sa larawan ay wala namang alam tungkol sa meeting.
Una nang itinanggi ng Palace Official na hinuli ng mga awtoridad sa Amerika ang unang ginang.