8 July 2024
Calbayog City
Entertainment

Pakikipagpulong ni Pangulong Marcos kay Singaporean Prime Minister Lee Hsein Loong, naging mabunga

IBINIDA ng malakanyang na naging mabunga ang pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kay Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong.

Kasama din sa nasabing pulong si Deputy Prime Minister Lawrence Wong.

Ayon sa Pangulo, positibo at “Promising” ang naging pagpupulong kung saan natalakay ang mahahalagang usapin.

Ayon kay Pangulong Marcos, aasahan ang mas malakas na kolaborasyon ng Pilipinas at Singapore sa pagtugon sa mga common global challenge.

Pagkatapos ng pulong ay sabay na nanood ang dalawang lider ng F1 Grand Prix.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *