PATULOY na isinusulong ng pamahalaang lungsod ng Calbayog ang planong pagtatatag ng Calbayog City College.
Kamakailan lamang ay dumalo si Mayor Raymund “Monmon” Uy sa pagpapatuloy ng Committee hearing ng Sangguniang Panlungsod para sa itatayong institusyon.
Mahigit 30 pamilya sa Catarman, Northern Samar na nawalan ng bahay dahil sa bagyo, nakinabang sa housing grants
Pagkukumpuni sa 2 tulay sa Eastern Samar, pinabibilisan sa DPWH ng Provincial Government
Fuel Subsidy Program para sa TODA drivers, naisapinal na ng Calbayog LGU
March 17 ng kada taon, ipinadedeklarang holiday sa Eastern Samar
Layunin ng panukala na palawakin ang access para sa affordable higher education at palakasin ang oportunidad para sa mga lokal na mag-aaral.
Nakabatay ang inisyatibo sa feasibility study na isinagawa nitong unang bahagi ng taon na nagbibigay-diin sa pangangailangan para sa isang kolehiyong pinatatakbo ng lungsod.
Ito ay para matugunan ang mga hamon, gaya ng limitadong kita ng mga sambahayan, paglipat ng mga estudyante sa ibang rehiyon, at workforce gaps sa Eastern Visayas.
Sa ngayon ay isinasailalim sa review ang draft ordinance na magsisilbing legal na pundasyon sa paglikha ng kolehiyo at magtitiyak sa governance at sustainability nito.
