Inanunsyo ng NAPOLCOM Regional Office 8 na magsisimula silang tumanggap ng mga aplikante para sa PNP Entrance Examination at PNP Promotional Examinations sa May 27 hanggang 31, sa Northwest Samar State University (NwSSU) sa Calbayog City, Samar.
Ayon sa NAPOLCOM 8, mayroon lamang isanlibong available slots para sa PNPE examinations at tatlundaan naman para sa PromEx.
9K Fuel Subsidy Cards, ipamamahagi sa mga mangingisda sa Eastern Visayas
Inisyal na dayalogo sa timbol drivers, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 30 pamilya sa Catarman, Northern Samar na nawalan ng bahay dahil sa bagyo, nakinabang sa housing grants
Pagtatatag ng Calbayog City College, isinusulong ng pamahalaang lungsod
Para sa mga interesadong aplikante, maaring mag-rehistro sa pamamagitan ng link na makikita sa facebook post ng Samar Public Information Office.
Magpo-post din ang NAPOLCOM 8 ng advisory kasama ang mga pangalan ng registered applicants at kani-kanilang schedules para sa processing simula ngayong May 24.
Isasagawa ang PNP Entrance Examination at PNP Promotional Examinations sa June 30, 2024 sa NwSSU.
