17 June 2024
Calbayog City
Local

Agricultural Capacity ng mga magsasakang Calbayognon, palalakasin sa mga nakakasang programa ng pamahalaan

DUMALO si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa “Farmers Training” Technical Briefing, and Capacity Building para sa implementasyon ng adaptive balanced fertilization strategy para sa Bagong Pilipinas Initiative sa Calbayog City Convention Center.

Sa naturang event, pinasalamatan ni Mayor Mon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mga programang nakarating sa Calbayog City sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture.

Layunin ng mga programang ito na palakasin ang agricultural capacity ng mga magsasakang Calbayognon, partikular sa produksyon ng palay.

Pinasalamatan din ng alkalde ang mga pribadong kumpanya sa kanilang kontribusyon upang mapagbuti ang farming practices sa rehiyon.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *