IPAGPAPATULOY ng Pilipinas ang pagsusulong ng kapayapaan sa South China Sea, kasabay ng pagbuo ng matatag na alyansa sa iba pang bansa upang mapanatili ang Regional Stability.
Sa kanyang pagharap sa Japanese Media, aminado si Marcos na sa halip na mabawasan ay nadagdagan pa ang tensyon sa pinag-aagawang teritoryo sa mga nakalipas na buwan.
Sinabi ng Pangulo na hanggang ngayon, masasabi niyang ang sitwasyon sa South China Sea ang “most complex geopolitical challenge” na kinakaharap ng mundo.
Idinagdag ng punong ehekutibo na ang mga ginawang pag- atake ng Chinese Vessels laban sa mga barko ng Pilipinas noong nakaraang linggo sa West Philippine Sea, ay lalo lamang nagpatibay sa determinasyon ng bansa na ipaglaban ang ating karapatan sa ating teritoryo.