MULING ipinaalala sa mga deboto ng Itim na Poong Nazareno na ipinagbabawal ang pagsampa sa Andas o sa karwaheng pinagpapatungan ng Imahen.
Sinabi ng tagapagsalita ng Quiapo Church na si Father Robert Arellano, na noong pang nakaraang taon nila ipinagbawal ang pag-akyat sa andas subalit mayroon pa ring mga deboto na nagtangkang sumampa.
ALSO READ:
Cebu City isinailalim sa State of Calamity dahil sa gumuhong landfill; death toll, umakyat na sa 13
Sarah Discaya, naghain ng Not Guilty Plea sa Korte sa Cebu
Pangulong Marcos, nais magkaroon ng Extradition Treaty sa Portugal para maaresto si Zaldy Co
Historic Free Trade Deal, nilagdaan ng Pilipinas at UAE
Idinagdag ni Arellano na binago ang disenyo ng andas para sa Traslacion ngayong taon upang walang matutung-tungan ang mga deboto.
Mayroon pa rin naman aniyang Krus na naka-awang sa likuran para makita ang bahagi ng Imahen subalit wala nang espasyo sa magkabilang dulo na pwedeng tapakan para makasampa sa Andas.
