PLANO ng Department of Agriculture (D-A) na magpatupad ng Maximum Suggested Retail Price (MSRP) sa imported na bigas bago matapos ang enero upang maresolba ang umano’y profiteering.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na hindi dapat ibenta ang imported rice ng 60 pesos kada kilo dahil para sa kanya ay sobra-sobra na ang kitaan dito.
Nilinaw din ng kalihim na ang MSRP ay hindi suhestiyon, kundi pagtatakda ng dapat na maximum na presyo ng produkto.
Pupulungin ng D-A ang rice importers, retailers, at iba pang mga ahensya ng pamahalaan para sa implementasyon ng MSRP, kung saan ito ipatutupad, at kung ano ang mga magiging pananagutan ng mga lalabag.