AABOT sa 72.8 million pesos na halaga ng iligal na droga ang kinumpiska ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG mula sa isang inabandonang bagahe sa NAIA Terminal 3.
Sa inisyal na impormasyon, nakalagay sa tag ng bagahe na pag-aari ito ng isang pasaherong Michel Septon mula sa South Africa.
ALSO READ:
Driver ng kotse na nabagsakan ng estudyante sa EDSA, pinalaya ng mga awtoridad
Lalaki, patay matapos tumalon mula sa FPJ Station ng LRT-1 sa Quezon City
Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila, nagsimula ng tumaas bago ang Valentines Day
2 gwardya sa Intramuros, timbog sa pananakit sa menor de edad
Nabatid na September 28, 2024 nang dumating ang pasahero sakay ng flight QR 928 mula Doha, Qatar at iniwan ang kanyang luggage na naglalaman ng mahigit sampung kilong hinihinalang shabu, dahilan para ito i-turnover sa airport authorities.
Natuklasan ang laman ng nasabing luggage nang buksan at tumambad ang hinihinalang shabu.
Nai-turnover na sa NAIA PDEA-IADITG ang illegal drugs para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.
