KINONDENA ng Lokal na Pamahalaan ng Matuguinao sa Samar ang pagpaslang ng New People’s Army (NPA) sa isang sundalo sa gitna ng pagganap nito sa tungkulin sa mga liblib na komunidad.
Tinawag ni Mayor Aran Boller na “terroristic act” ng NPA ang insidente na pumatay kay Corporal Bobby Barocaboc noong Feb. 2 sa bulubunduking bahagi ng Barangay San Roque.
ALSO READ:
Mahigit 1,000 rice farmers sa Northern Samar, tumanggap ng ayuda sa gitna ng MABABANG farmgate prices
DOST, naglaan ng 600 million pesos para sa pagsusulong ng smart farming technologies
Rehabilitasyon sa Carigara Port sa Leyte, sinimulan na ng PPA
Tacloban journalist, hinatulan ng guilty sa terrorism financing
Wala pang inilalabas na detalye ang Philippine Army hinggil sa pinakabagong engkwentro sa Matuguinao.
Ayon naman sa militar, idineploy si Barocaboc bilang bahagi ng tropa na nagbabantay ng seguridad para sa paghahatid ng social at basic services sa mga komunidad, lalo na sa geographically isolated at disadvantaged areas.
