Hinimok ni COMELEC Chairman George Garcia ang kongreso na bumalangkas ng batas upang malimitahan ng poll body ang mga post sa social media ng mga kandidato tuwing campaign period.
Sinabi ni Garcia na problema talaga ang fake news, misinformation, at disinformation, na kapag nakita ng ilang kababayan sa social media ay itinuturing na nilang balita.
ALSO READ:
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Inamin ng poll chief na ang magagawa lamang nila ay makipag-coordinate sa social media administrators para alisin ang post, na inaabot pa aniya ng ilang buwan.
Mahalaga rin aniya na ma-monitor ng COMELEC ang gastos ng kandidato sa kanilang social media campaign.
