Walang ibinigay na consent o permiso ang dating pinuno ng AFP Western Command na si Vice Admiral Alberto Carlos para mai-record ng sinuman, na labag sa anti-wiretapping law ng bansa.
Ginawa ni Carlos ang pahayag sa hearing ng senate committee on national defense and security, peace, unification and reconciliation.
Alinsunod sa Republic Act No. 4100, ipinagbabawal ang recording ng anumang pribadong usapan nang walang permiso ng lahat ng sangkot na partido.
Kinumpirma naman ng AFP official ang pakikipag-usap nito sa chinese official subalit itinanggi na may kinalaman ang paksa sa “new model” at “common understanding” sa Ayungin Shoal gaya ng pinalalabas ng Chinese authorities.
Una nang inilabas ng Chinese Embassy ang umano’y transcript ng pag-uusap ni Carlos at ng isang Chinese diplomat, kung saan tinalakay nila ang “new model” sa Ayungin Shoal.
Matapos lumabas ang isyu ay pinalitan si Carlos bilang hepe ng Wescom.