24 June 2025
Calbayog City
National

Pagkansela sa passport ni dismissed mayor Alice Guo, ipinag-utos ng Malakanyang

IPINAG-utos na ng malakanyang ang kanselasyon sa passport ni dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

KASUNOD ito ng mga kumpirmasyon na nakalabas na ng bansa ang dating alkalde, sa gitna ng mga isyung kinasasangkutan nito, gaya ng illegal POGO operation.

Sa memorandum mula kay Executive Secretary Lucas Bersamin, inatasan sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Justice Secretary Boying Remulla na kanselahin ang Philippine passport ni Guo.

Bukod dito, ipinakakansela rin ang pasaporte ng mga kapatid ng dating alkalde na sina Wesley Guo at Sheila Guo, at Cassandra Ong na idinadawit din sa POGO operations sa Pampanga.

Ipinaliwanag ng palasyo na sa ilalim ng Republic Act No. 11983 o ang New Philippine Passport Act, maaaring mag-kansela ng pasaporte ang kalihim ng Department of Foreign Affairs kung ito ay para sa interes ng national security.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.