MATATANGGAP ng mga pampublikong guro at iba pang mga empleyado ng gobyerno ang kanilang “Expanded” Healthcare Benefits sa 2025.
Ayon sa Department of Education (DepEd), ang taunang medical allowance na hanggang 7,000 pesos ay ipagkakaloob sa eligible government civilian personnel, kabilang ang public school teachers sa ilalim ng Executive Order No. 64.
ALSO READ:
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Inihayag ng ahensya na isa-subsidize nito ang halaga ng ilang benepisyo mula sa Health Maintenance Organization (HMO).
Sinabi ng DepEd na ang adjustment ay kumakatawan sa 1,300% increase mula sa 500 pesos na medical allowance na inaprubahan noong 2020, na inilaan para saklawin ang gastos sa diagnostic tests na naka-outline sa dating department order.
