15 March 2025
Calbayog City
Local

Pagdedeklara ng state of calamity sa Calbayog City bunsod ng dengue outbreak, inirekomenda ng Local Health Board

PINANGUNAHAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang pulong ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), upang talakayin ang deklarasyon ng state of calamity bunsod ng dengue outbreak sa lungsod.

Sumentro ang pulong sa pag-endorso sa rekomendasyon ng Local Health Board sa Sangguniang Panlungsod para sa opisyal na pag-apruba sa pagdedeklara ng State of Calamity.

Maingat na ni-review ng CDRRMC ang nakaaalarmang sitwasyon ng dengue, sa gitna ng lumulobong kaso, potensyal na paglaganap pa ng sakit, at paggamit ng healthcare resources.

Tinukoy ng konseho ang urgency ng sitwasyon at pangangailangan ng agaran at epektibong aksyon upang mapagaan ang epekto ng dengue outbreak.

Binigyang diin ni Mayor Mon ang kahalagahan ng nagkakaisang tugon sa health crisis, sa pagsasabing, ang pagdedeklara ng state of calamity ay magbibigay daan para sa karagdagang pondo at sa pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang upang protektahan ang mga Calbayognon.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).