KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkasawi ng isang Overseas Filipino Worker na unang napaulat na nawawala matapos ang magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar noong March 28.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, positibong kinilala ang bangkay ng OFW na si Francis Aragon, noong Martes ng gabi.
ALSO READ:
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Idinagdag ni De Vega na bilang respeto para sa privacy ng pamilyang nagluluksa ngayon, ay hindi muna sila magbibigay ng karagdagang impormasyon.
Tiniyak naman ng DFA na magpapatuloy ang kanilang trabaho at umaasa pa rin ng magandang resulta para tatlo pang Pinoy na hindi pa rin natatagpuan matapos ang malakas na pagyanig sa Myanmar.
