NATUKOY na ang pagkakakilanlan ng ikalawang Pinoy na nasawi sa malakas na lindol na tumama sa Myanmar noong March 28.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) batay ito sa impormasyon na kanilang nakalap mula sa Philippine Embassy sa Yangon Hinggi sa pagkakatukoy ng identification ng ikalawang Pinoy na biktima.
ALSO READ:
Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal
Mosyon ng Kamara sa nabasurang Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ipinababasura sa Supreme Court
Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE
AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026
Naimpormahan na din ang pamilya ng nasawing Pinoy.
Ayon sa DFA, humiling ang pamilya ng biktima ng respeto at privacy kaya hindi na makapagbibigay ang ahensya ng iba pang mga detalye.
Sa ngayon mayroon pang 2 Pinoy na unaccounted sa naging pinsala ng lindol sa Mandalay, Myanmar.