KINUMPIRMA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na katawan ng negosyanteng si Anson Que at kaniyang driver ang natagpuang dalawang bangkay sa Rodriguez, Rizal kamakailan.
Kasunod ito ng pahayag ni Filipino-Chinese Civic Leader Teresita Ang-See Hinggil sa pagkakatagpo sa katawan ni Que at ng driver nito matapos unang mapaulat na dinukot sila.
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Noong Martes ng umaga unang iniulat ng Rodriguez police na may dalawang bangkay ng lalaki na natagpuan sa Barangay Macabud.
Nakita ng isang concerned citizen ang mga bangkay na nakasilid nylon bag.
Nakagapos pa ng mga biktima gamit ang nylon rope at mayroong duct tape sa kanilang mukha.
Dinukot si Que at kaniyang driver sa Macapagal Avenue sa Pasay City habang kumakain sa isang restaurant.
