15 July 2025
Calbayog City
National

Paghahanda ng COMELEC para sa BSKE 2025, tuloy lang habang hinihintay ang pag-apruba ni PBBM sa Postponement Bill

TULOY-tuloy ang paghahanda ng COMELEC para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na itinakda sa Dec. 1, 2025.

Ito ay habang hinihintay na mapirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maging ganap na batas, ang panukalang nagpapaliban sa naturang halalan.

Tiniyak ni Poll Commissioner Rey Bulay, Commissioner-in-Charge sa BSKE 2025, na handa sila sa lahat ng scenarios na may kinalaman sa eleksyon, matuloy man ito o hindi.

Samantala, sinabi rin ni Bulay sa iniurong sa Oktubre ang Voter’s Registration para sa BSKE na unang itinakda sa July 1 hanggang 11.

Sa sandaling lagdaan ng pangulo ang bill at maging batas, gaganapin ang Barangay at SK Elections sa unang Lunes ng November 2026.

Magiging apat na taon na ang termino ng BSKE officials mula sa kasalukuyang tatlong taon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).